Friday, February 21, 2014

L. Pineda

Sibilisasyon Ng Ehipto (Egypt)

Heograpiya

Ito ay may parihabang teritoryo sa may hilagang silangang bahagi ng kontinente ng Africa. Dito matatagpuan ang makasaysayang Ilog Nile. Ito ay dumadaloy sa silangang bahagi ng bansang Ehipto. Ito rin ay tinaguriang pinakamahabang ilog sa daigdig. Ayon sa mananalaysay na griyego na si Herodotus "biyaya ng Egypt ang ilog Nile".



Pamayanan

Ang taong naninirahan sa Ehipto ay tinatawag na Egyptian. Naimpluwensyahan ng kulturang egyptian ang sibilisasyong Israel at matandang Greece na nagbigay daan sa pagsibol ng kabihasnan ng mga kanluranin.

"Hinubog ng Nile ang Egypt at ang lambak ng Nile ang Egypt". Ibig sabihin nakadepende ang mga egyptian sa ilog Nile. Tanging ang mga lugar na binabaha ang nagbibigay ng hanap buhay sa kanila.

"Ilog Nile"
Pamahalaan

Sila ay pinamumunuan  ng mga Pharoah o Paraon. Si Menes ang unang paraon sa hilagang Egypt. Itinayag niya ang unang dinastiya sa Egypt.
  
Nahahati ang unang kasaysayan ng egypt sa tatlong panahon
  • MATANDANG PANAHON
  • GITNANG PANAHON
  • BAGONG PANAHON
Matandang Kaharian
Dito namuno si Haring Menes. Sa Panahong ito nagsimula ang pagtawag na paraon.

Gitnang Kaharian

Dito namuno si Mentuhotep. Lumago ang kultura at umunlad ang sibilisasyon.

Bagong Kaharian

Dito namuno sila Ahmose, Thutmose II, Thutmose III, Amenhotep IV at ang pinaka huling namuno sa Egypt na si Ramses II. Dito pinaka umunlad ang sibilisasyon ng Egypt ngunit dito rin nagwakas ang kapangyarihan ng mga paraon.


II.
Hanapbuhay

Sila ay mga magsasaka at mangingisda. Mataba ang lupa sa Ilog Nile . Ang Ilog Nile ay nagsisilbing transportasyon upang makipagugnayan sa ibang tao upang mangalakal.

Kultura
pagiging magsasaka, mangingisda at mangangalakal ang kanilang ikinabubuhay. Sila rin ay malikhain lalo na sa mga kabahayan at mga libingan ng paraon.

Rehiliyon
Sila ay teokratiko o naniniwala sa maraming diyos. Sila rin ay naniniwala sa diyos at diyosa.

III. Mga Ambag Sa Kasaysayan
A. Edukasyon:

Kaalaman sa wastong pagsukat at sisitema ng matematika. Naimbento din nila ang kalendaryo at sundial upang gawing gawing orasan.

B. Medisina:
Gumawa sila ng libro na tinatawag na (salin) o paggamot sa sakit

C. Ekonomiya:
Sila ay magsasaka, Inhinyero, mangingisda, Manggamot at iba pa

D. Sining:
Ginawa nila ang Pyramide, Great Sphinx, at Obelisk na tumatak sa kasaysayan ng mundo.
E. Agham:
Kaalaman sa wastong pagsukat at sistema ng matematika. Paggamit ng kemikal para hindi maagnas ang mga namatay na paraon. Ito ay mga halimbawa ng mga naiambag ng mga taga ehipto sa ating agham.

F. Pamahalaan:
Ang anyo ng pamahalaan sa Egypt ay teokrasya o ibig sabihin ay pamunuan ng diyos.

IV.
Kaya ko napili ang sibilisasyong Ehipto dahil sa marami silang naiambag sa atin na hanggang ngayon ay ating ginagamit katulad ng pagsukat at matematika.